Walang sinumang kandidato o personalidad na nagsusulong ng tunay na modernong ideolohiya, period!
- BULGAR

- May 17, 2019
- 1 min read
MAAYOS natapos ang 2019 Midterm Elections.
Marami na ang nahimasmasan!
◘◘◘
KITANG-KITA ang epekto ng “cash” sa eleksiyon.
Matematika ang halalan.
Isa itong accounting system!
◘◘◘
NATALO si Doc Willie Ong.
Pero, nakita sa kanyang boto ang banta ng “cyber followers”!
◘◘◘
Posibleng sa mga susunod na eleksiyon, maaari nang magkaroon ng pangulo ng Pilipinas na “anak ng social media”.
Ano ang ibig sabihin nito?
Puwede nang maging senador sina Maine Mendoza at Moymoy Palaboy!
◘◘◘
SA totoo lang, si Kabayan Noli de Castro ay unang “media celebrity” na naging senador at naging bise-presidente.
Siya ay mula sa “media minus social”!
◘◘◘
ANG unang hakbang bago kumandidato ay ang tinatawag na “awareness” o mas kilala bilang popularidad.
‘Yan ang tangay ng social media.
Sa ngayon, hindi sapat ang “social media” na makapagluklok ng pangulo, pero isa itong “malaking bahagi” ng pagkapanalo!
◘◘◘
ANG panalo ni Pangulong Duterte ay hindi mula sa social media, bagkus, siya ay “anak ng protest vote” na sinasabayan lamang ng “social media”.
Sa ngayon, marami pa rin ang hindi nakauunawan sa social media.
Dahil marami rito ay nalason ng “fake information” o palsipikadong content na sumisira sa inobasyon ito!
◘◘◘
SA kabila ng lahat, walang sinumang kandidato o personalidad na nagsusulong ng tunay na modernong ideolohiya na siyang susi sa pag-unlad ng bansa.
Isang ideologist ang kailangan ng bansa upang mabago ang ating lipunan!





Comments