Pera ibinulsa ni Kap, mga botante pumalag | “VOTE NOW, PAY LATER”, BUKING


DALAWANG botante ang dumulog sa Bombo Radyo, kaugnay ng wala umano silang natanggap na election money mula sa kanilang sinuportahang kandidato sa Butuan City.
Binansagang “vote now, pay later” scheme ang nasabing insidente sa isang barangay. Ayon sa kanilang reklamo, ibinulsa umano ng kanilang barangay captain ang kanilang tig-P1,000 budget.
Ilang ulit umano silang bumalik sa bahay ng kanilang kapitan ngunit, nang mapansin na hindi na ito matatanggap dahil sa umano’y iba’t ibang rason at ang huli ay ubos na umano, roon na sila nagdesisyon na idulog ito sa Bombo Radyo Butuan.
Gayunman, nang magsadya umano ang mga reporter ng nasabing himpilan sa kapitan ay dito nalaman na wala umano silang “firm stand” kung kanilang susuportahan ang nasabing mga kandidato na nasa listahan. (BRT)





Comments