MONEY IN MY POCKET, PATOK SA RACE 4
- Ding Taboy
- May 17, 2019
- 1 min read

MASASAKSIHAN ngayong gabi ang pagtikada ng pitong karera sa bakuran ng Santa Ana Park, Naic, Cavite.
May kahirapang pumili ng mga kalahok sa Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Sa umpisa ng WTA sa Race 1, nakalalamang ang Smart Tony, habang magsisilbing katunggali ang Abakada, Buenos Aires at Batang Arrastre.
Sa race 2, nakalalamang ang My Loving Wife, habang ang mga kalahok na Apo Island at Dimakya Island ang magsisilbing kalaban sa pagsisimula ng Pick 6. Paglalabanan ng mga kalahok ang Condition Race 16 at ipinapatok ang Manila Bay habang ang Pious Ashley, Love Affair at Pabulong ang makakalaban ng mahigpit sa pag-uumpisa ng Pick 5.
Sa Race 4, ipinapatok ang Money In My Pocket at Sultry Giulia ang makakalaban sa umpisa ng Pick 4. Balikatan ang laban sa pagitan ng Believable, couple entry na Ok Mister Bong, Boundle of Joy at Princess Atiana sa Race 5.
Sa Race 6, magkakalaban ang mga kalahok na Fort Mckinley, Stormy Marx, High Quality at Joem’s Gal. Nakalalamang naman ang Hello Gorgeous habang magsisilbing katunggali ang Pearlescence, Gensan Special at Wessfacckol sa Race 7. Tip Ni Mang Ding
Race 1 Smart Tony (9) Batang Arrastre (4) Abakada (1) Race 2- My Loving Wife (2) Dimakya Island (4) Race 3- Manila Bay (5) Pious Ashley (2) Race 4- Money In My Pocket (6) Sultry Giulia Race 5- Believable (3) Entry No.1 Race 6- Fort Mckinley (1) Joem’s Gal (6) Race 7- Hello Gorgeous (3) Pearlescience (5)





Comments