top of page
Pokwang.jpg

Mag-ina nasagasaan sa pedestrian lane

Jeff Tumbado
May 17, 2019
1 min read

PATAY ang ina habang sugatan ang kanyang anak makaraang masagasaan ng pick-up truck habang nasa pedestrian lane sa Dumaguete, Negros Oriental.

Batay sa report, tanghali nitong Miyerkules nang maganap ang insidente kung saan magkahawak ang hindi na pinangalanang mag-ina habang tumatawid sa pedestrian lane.

Gayunman, sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay nasagasaan sila ng nasabing pick-up na mabilis na bumabagtas sa patawid na mga biktima.

Nabatid sa pulisya na nagulungan ng sasakyan ang mag-ina at namatay sa ospital ang ina at nasa malubha naman ang kalagayan ng bata.

Napag-alamang nagkaayos na ang pamilya ng mag-ina at ang driver ng sasakyan matapos sagutin ang gastos sa mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page