Mag-asawa niratrat

PINAGBABARIL ang sinasakyan ng mag-asawa sa Bgy. 4, Lian, Batangas.
Pasado alas-2:00 ng hapon, sakay ng kanilang Honda Civic ang biktimang si Antonio Credito at kanyang asawa nang harangin at pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang suspek.
Tumakas ang mga salarin sakay ng Toyota Innova patungo sa direksiyon ng Nasugbu at Tuy, Batangas.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan habang sugat at galos naman sa paa ang sinapit ng kanyang misis.
Inaalam pa ang motibo at nasa likod ng krimen.





Comments