Kaya lalong binanatan ng mga netizens… JAMES, INILAGLAG ANG NAG-AUDITION SA IDOL PHILS. DAHIL '
- BULGAR

- May 17, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

NAG-EXPLAIN si James Reid sa kanyang Twitter account kung bakit “No” ang ibinigay niyang desisyon sa nag-audition sa Idol Philippines na si Luke Baylon.
Matatandaang naging controversial ang naturang episode dahil pagkatapos nilang mag-no nina Vice Ganda at Moira Dela Torre kay Luke, nakatanggap sila ng pamba-bash mula sa mga netizens.
Paliwanag ni James, “Like I said, Luke Baylon is a good singer but we’re looking for the total package.
Wait till you see the 12 finalists. You’ll see why I said he wasn’t ready. For now, I wish Luke all the success is his music career. That rendition of If I Ain’t Got You was sick.”
Pero mukhang lalo pang nagkaroon ng dahilan ang mga netizens na bigyan ng negatibong komento ang IP judge.
Ani @chesadawn, “Nagandahan ka pala sa boses niya, eh, bakit ‘no’ ang ibinigay mo? Saka, ‘kaw na rin ang nagsabi ‘We’re looking for the total package.’ Ibig bang sabihin nu’n, dahil si Luke ay hindi good looking guy na tulad mo?”
“Burden pala sa ‘yo ang maging hurado, eh, bakit tinanggap mo?”





Comments