top of page

Kaya goodbye sleepless nights na raw kayo, mga beshy! PAGLALAGAY NG BAWANG SA ILALIM NG UNAN, EPEKTI

  • Jersey Sanchez
  • May 17, 2019
  • 2 min read

MULA noon, ang bawang ay tinatawag ng “super food” dahil bukod sa puwede itong maging seasoning ay puwede rin itong maging sangkap sa iba’t ibang home remedy. Mga beshy, bukod sa pagiging super food nito, alam ba ninyo na ang bawang ay puwedeng makatulong sa mga taong may insomnia? Sey ng experts, ang paglalagay ng bawang sa ilalim ng unan ay nakapagpapaganda ng kalidad ng tulog? Weh, ‘di nga?

Ayon sa mga eksperto, ang bawang ay mula sa pamilya ng sibuyas. Bagama’t, matapang ang amoy nito, kabilang umano ito sa most consumed food sa buong mundo.

Gayundin, ang bawang ay kilala bilang pagkaing punumpuno ng sustansiya na nakatutulong sa ating kalusugan.

Sey ng experts, umaabot sa 100 calories ang kada 4 ounces ng bawang at nagkokontamina ito ng complex carbohydrates at protein na nakapagpapaganda sa physical at mental performance ng indibidwal.

Nagbibigay umano ito ng Vitamin B complex at essential minerals tulad ng sodium, potassium at magnesium.

Ang main benefit nito ay may kaugnayan sa mataas na concentration ng sulfurous compound na allicin.

Ayon sa mga eksperto, ang paglalagay nito sa ilalim ng unan tuwing gabi ay nakatutulong upang magkaroon ng magandang kalidad ng tulog ang indibidwal.

Ang sulfurous compounds ng bawang, kabilang ang aroma ay mayroong calming effect na nakatutulong sa improvement ng kalidad ng tulog.

Noong unang panahon, ang bawang ay nakapagbibigay umano ng proteksiyon laban sa evil spirits, pero ang totoo, ang sense of security na ito ay dahil sa natural zinc content na taglay nito.

Upang gamitin ang bawang, maglagay lamang ng cloves sa ilalim ng unan bago matulog sa gabi.

Bagama’t, hindi kaaya-aya ang amoy nito, masasanay din ang gagamit nito paglipas ng ilang gabi.

Wow! Hindi lang pala basta pampalasa at sangkap sa iba’t ibang home remedy ang bawang, mga beshy! Sa mga may ayaw sa bawang diyan, siguradong magugustuhan ninyo na ito, lalo na kung hirap kayong makatulog tuwing gabi.

Try niyo na ito, mga beshy! Have a good sleep!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page