Kapitbahay niratrat ng bebot

NIRATRAT ng babaeng suspek ang kanyang kapitbahay na lalaki matapos magkairingan dahil sa bakod sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.
Base sa ulat, alas-7:00 ng umaga nang pagbabarilin sa Bgy. Salawag ang biktimang si Dante Cayabyab habang nakasakay sa kanyang motorsiklo at tinapatan ng suspek na si Liliane Batac, na nakasakay din sa motorsiklo na tumakas matapos ang insidente.
Nabatid na bago ang pamamaril, nag-away umano ang dalawa dahil sa bakod ng biktima na matagal na nilang alitan.





Comments