Kapaki-pakinabang na programa na hatid ng PCUP sa masa, panalo!


ANG Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ay nagsisilbing direktang tagapag-ugnay o “direct link” ng tao sa gobyerno at gobyerno sa tao. Nagbibigay ang PCUP ng access sa iba’t ibang serbisyo tungkol sa asset reform, human development, livelihood and employment at basic social services para sa ikaaangat ng antas ng pamumuhay ng mga maralita.
Para sa inyong kaalaman, nagsisimula na ang ating tanggapan sa pagpapalaganap ng three (3) priority programs nito sa buong bansa, lalung-lalo na ang PCUP Serbisyo Caravan kung saan ay nagpapaabot tayo ng pinagsama-samang serbisyo ng gobyerno sa bawat urban poor area.
Tanong: Magandang araw! Ano ang inyong mga programa sa PCUP na puwede naming ma-access? — Lovely
Sagot
Magandang araw din, Lovely! Maraming serbisyo ang maaaring maibigay ng PCUP sa ating mga maralita. Nariyan ang pagbibigay ng mga training o seminar sa mga urban poor organization tulad ng gawaing pangkabuhayan, organizational management, batas-pangmaralita at marami pang iba.
Tumutulong din tayong magbigay ng access sa lupa at pabahay, basic services tulad ng kuryente at tubig at iba pang kapaki-pakinabang na serbisyo para sa ating komunidad.
Mayroon din tayong priority programs na makapagbibigay ng direktang serbisyo sa taumbayan. Tuwing umiikot ang caravan sa iba’t ibang panig ng bansa, dinadala nito ang libreng medical at dental services, legal assistance, access sa puhunan at negosyo, pagpoproseso ng PSA documents at driver’s license at maging jobs fair para sa local at abroad.
Sa ngayon, isinasaayos pa ng PCUP ang iba pang detalye upang maisagawa ng maayos ang implementasyon ng Urban Poor Privilege Card at Adopt-a-Community Program.
Para mapadali ang ating pag-access sa mga serbisyo ng PCUP, maaari tayong pumunta sa ating website sa www.pcup.gov.ph, bumisita sa ating Official Facebook Page na fb.com/pcupPH o magtungo sa ating ahensiya sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Prioject 7, Quezon City.
Mangyaring mag-email lamang sa pcup.media2019@gmail.com para sa inyong mga katanungan at sinisiguro nating sa susunod na paglabas ng ating column, mababasa ninyo sa pahayagang ito ang kasagutan sa inyong mga katanungan.
Inaasahan natin ang inyong mga katanungan dahil hangad natin ang magbigay-serbisyo para sa lahat. Muli, nagbabalik ang inyong lingkod upang magbigay ng direktang aksiyon para sa masa.





Comments