top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Especially kung dehins na normal ang inyong nararanasan... TIPS PARA SA MGA MAKAKALIMUTIN

  • Donna Thea Topacio
  • May 17, 2019
  • 1 min read

IKAW ba ‘yung ti­po ng tao na mabilis ng makalimot? Naku, good lang ‘yan kapag ang nakalilimutan mo, eh, ‘yung past ninyo ni ex! Pero, kung ‘yung mahahalagang bagay na ang na­wawala sa inyong alaala, sign na ‘yan na dapat na kayong ma­bahala.

Kaya, para maagapan ang pagiging makalilimutin, narito ang ilang paraan para sa inyo:

1. AVOID OVER­USED OF THE BRAIN. Tulad ng ating katawan, of course, na­papagod din ang utak kaya da­pat hindi ito ina­abu­so, par­tikular kung ang in­yong trabaho ay madalas na gina­gamitan nito.

2. DRINK SUP­PLE­MENT. Nga­yon, marami ng mga supple­ment ang nai­im­bento kaya nasa sa inyo na kung ano ang bibil­hin ninyo, pero siyempre ru’n na kayo sa su­bok na para hindi kayo mag­sasayang ng pera.

3. PLAY WORD GAMES. Isa sa mga mabibisang paraan para mapalakas ang memorya ay ang paglalaro ng word games dahil dito, mas nae-exercise ang inyong utak.

4. AVOID ACTIVITIES THAT MIGHT HURT YOUR HEAD. Kung mahi­lig kayo sa mga adventure, hinay-hinay lang dahil baka isa na ito sa mga dahilan kung bakit kayo nagiging makalilimutin. Hala!

5. DON’T DRINK MEDICINE IF NOT PRESCRIBED BY THE DOC­TOR. Ayon sa pag-aaral, ang madalas na pag-inom ng gamot na hindi inireseta ng doktor ay nakapupurol ng memorya, ito ay dahil sa side-effect na maaaring makuha rito. Tsk! Oh, ayan, mga beshy, kung ayaw ninyong maging makalilimutin nang tuluyan, kumain ng gulay at prutas at huwag abusuhin ang utak at katawan. Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page