top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

BOLTS, KINURYENTE ANG ACES SA TUNE-UP GAMES

Alvin Olivar
May 17, 2019
1 min read

NAGWAGI ang Meralco Bolts kontra Alaska Aces, 87-80, sa isang tune-up game sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City.

Nagpakitang gilas ang import ng Meralco na si Gani Lawal makaraang gumawa ng 31 points para sa Bolts upang maiselyo ang panalo.

Samantala, inaprubahan ng PBA ang trade na magdadala kay Raymond Almazan sa Meralco Bolts kapalit ang 2020 at 2021 first round draft pick ng Rain or Shine.

Kinumpirma ni Meralco team manager Paolo Trillo ang nasabing pag-apruba ng PBA sa trade.

Inilipat si Almazan matapos maglaro sa Rain or Shine simula noong 2013 kung saan siya ang pinili ng Elasto Painters na pangatlo sa PBA draft ngunit naging masalimuot ang huling mga buwan ni Almazan sa Rain or Shine.\

Maugong ang bali-balita sa hindi nila pagkakaunawaan ni Rain or Shine head coach Caloy Garcia.

Kamakailan ay hindi nagpakita si Almazan sa Elasto Painters sa kanilang kampanya noong Governors’ Cup bago ito bumalik mula sa koponan sa Philippine Cup.

Inaasahang magiging malaking bagay si Almazan na may taas na 6-foot-8 sa koponan ng Meralco na matagal nang naghahanap ng sentro para sa koponan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page