top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

16 years nagtago | WANTED SA PAGPATAY SA ‘ASAWA’ HULI SA AIRPORT

  • Janice Baricuatro
  • May 17, 2019
  • 1 min read

NAGWAKAS ang 16 taon na pagtatago ng isang wanted sa pagpatay sa kanyang kinakasama matapos siyang umuwi ng Pilipinas mula sa California kamakalawa.

Ayon kay Cavite Police Provincial Director, Police Colonel William Segun, alas-10:47 ng umaga nang abangan ng mga tauhan ng Special Operation Group of Provincial Intelligence Branch (SOG-PIB), Cavite hawak ang warrant of arrest sa suspek na si Ezra Dave Maling sa NAIA Terminal 1, pagkababa niya sa Korean Air Flight Number KE621 mula sa Los Angeles, California.

Si Maling ay suspek sa pagpatay sa kanyang live-in partner na si Rebeny Grageda noong March 17, 2003 na natagpuan ng kanyang anak na wala ng buhay sa basement ng kanilang bahay sa Cainta, Rizal na may nakasakal na sinturon sa leeg at nakadagang unan sa mukha.

Pinatay umano ni Maling ang biktima matapos malaman ng suspek na makikipagbalikan ito sa dating asawa.

Nabatid pa na nag-deport ang suspek mula sa Los Angeles, California dahil sa kasong fraud kaya nakauwi ng Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page