top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Trike driver, dedo sa pulis

Jeff Tumbado
May 16, 2019
1 min read

IMBES na sumuko, pinili umano ng 44anyos na lalaki na makipagbarilan sa mga pulis na nagresulta sa kanyang kamatayan ilang sandaling magpaputok ito ng kanyang baril sa Tanauan City, Batangas.

Dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Isagani Alcantara Latuna, tricycle driver at residente ng Bgy. Bagbag.

Ani Police Lt. Col. Jack Angog, inirereklamo na ng kanyang mga kapitbahay si Latuna dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril habang ito ay lasing sa labas ng kanyang bahay ganap na alas-8:30 ng gabi ng Martes.

Agad umanong isinumbong sa pulisya ang ginagawa ng suspek kaya rumesponde ang mga pulis sa lugar.

Gayunman, bago pa man makausap ng pulisya si Latuna ay bumunot ito ng kanyang baril at kinalabit. Hindi umano pumutok ang baril ng suspek kaya rito na siya pinaputukan ng mga pulis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page