top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Taxi driver tinadtad ng saksak

Maeng Santos
May 16, 2019
1 min read

DEDO ang taxi driver matapos pagsasaksakin ng hindi kilalang suspek sa loob ng kanyang ipinapasadang sasakyan sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Caloocan Police Deputy Chief for Administration P/Lt. Col. Ferdie del Rosario ang biktima sa pamamagitan ng natagpuang driver’s license sa kanyang taxi na si Pablo Damot, Jr., ng Bocaue, Bulacan na nadiskubre ni Clarita Castro, 59, street sweeper, alas-4:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng C-4 Road, Bgy. 8.

Ani Castro, napansin niya na nakabukas ang head lights at tail lights ng taxi habang nakaparada sa kahabaan ng C-4 Road na naging dahilan upang silipin nito sa loob.

Laking-gulat ni Castro nang makita ang walang buhay na biktima at duguan.

Agad rumesponde sa crime scene ang mga opisyal ng Bgy. 8 sa pangunguna ni Chairman Honesto Gaton at agad kinordonan ang naturang lugar habang hinihintay ang homicide investigators at mga tauhan ng SOCO.

Paniwala ng pulisya, posibleng holdaper na nagpanggap na pasahero ang pumatay sa biktima matapos umano nitong tangkaing manlaban sa suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page