Sey ng experts... PAG-AAWAY, KERING MAKA-PREVENT NG DIVORCE!


AKALAIN n‘yo ‘yun, ‘yung bagay na kinatatakutan natin sa relasyon ay ‘yun pa pala ang magpapatibay at makape-prevent ng divorce? Hmmm… sa usaping pag-aaway, gaano ba kayo kadalas mag-away ng dyowa mo? Once a week, twice a week o everyday? Ha-ha-ha! Marahil, marami ang magsasabi sa inyo ng everyday with matching pagsigaw pa. Joke! Anyway, oks lang ‘yan dahil dehins natin kailangang mag-worry, mga beshy!
Ayon sa pag-aaral, natuklasan na ang couple na madalas nag-aaway ay 10 times na nagkakaroon ng magandang relasyon kumpara sa mga nagpe-pretend na okay sila at walang problema.
Gayunman, ayon sa mga eksperto, maraming health benefits ang pag-aaway pagdating sa relasyon.
Ito ay dahil ang pag-aaway ang nag-a-allow sa relasyon para mas tumibay ang communication, gayundin para mawala ang iyong frustations.
Dagdag pa rito, nakatutulong din ito para mag-grow kayo individually dahil kaya na ninyong harapin ang problema kahit pa nakatatakot dahil kung anu-anong isyu ang maaaring maungkat. ‘Yung tipong feeling strong at brave kayo, ganern!
Samantala, akala natin na kapag nakikipagtalo tayo sa ating dyowa, eh, ‘yun na ang umpisa para magkalamat ang ating relasyon, pero base sa mga dalubhasa, mas nakatutulong pa umano ito para mai-save ang inyong relasyon sa break-up dahil ang pagkimkim umano ng galit o pagtatago ng problema ay mas nakasasama kumpara rito.
Kaya sa mga bagong kasal na natatakot sa divorce, kung may panahon na nag-aaway kayo ni mister o misis, just go with the flow, pero make sure na sosolusyunan ninyo ito at pag-uusapan nang maayos.
Sa pag-aaway o pakikipagtalo, hindi mahalaga kung sino ang mananalo dahil ang dapat ninyong bigyang-prayoridad ay ang maintindihan ang panig ng isa’t isa at matuto.
Oh, ayan, oks lang mag-away dahil normal lang ‘yan. Make sure lang na ang pag-aaway na ito ay hindi magiging dahilan ng inyong hiwalayan, bagkus, gamitin ninyo ito upang lalo pang tumibay ang inyong samahan.
Copy?





Comments