Sa rami ng kapalpakan, utos ng Palasyo | SMARTMATIC TURUAN NG LEKSIYON
- Mylene Alfonso
- May 16, 2019
- 1 min read

NANINIWALA ang Malacañang na kailangan nang rebyuhin ng Commission on Elections ang kontrata ng Smartmatic matapos maitala ang maraming aberya sa katatapos na halalan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat turuan ng leksiyon ang Smartmatic dahil sa rami ng sablay nito sa pagpapatupad ng automated election.
“Oh, they should, kasi that should teach them a lesson. There must be something wrong,” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo.
Dapat din aniya na maipaliwanag nang maayos ng Smartmatic ang dahilan ng mga aberya sa VCMs dahil kung hindi ay maaari itong sampahan ng asunto.
Pero batay umano sa paliwanag ng ilang IT experts, malaki talaga ang tsansa na magloko ang mga VCM lalo na at tatlong taon ang nakalipas bago ito muling ginamit.
Dahil dito, inirekomenda ni Panelo ang pagkakaroon ng regular testing sa mga VCM upang masigurong gumagana ito sa oras na muli itong gamitin. “And — but although, I was listening to some experts saying that alam mo ‘yung makina, kung three years mong hindi ginagamit, eh, most likely magkakaroon ng diperensiya ‘yan. Eh, puwede nga, eh, parang kotse din ‘yan; tatlong taon mong hindi gamitin ang kotse, baka hindi na mag-start iyon,” dagdag pa ni Panelo.





Comments