top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Palasyo, atras sa hirit na bitay sa mandarambong

Writer: BULGAR
BULGAR
May 16, 2019
2 min read

LP, LAOS NA—Wala kahit isa man sa mga kandidato ng Liberal Party (LP) sa pagka-senador ang nanalo sa nakalipas na 2019 Midterm Elections.

Malamang, wala nang talab sa masa ang mga “yellow politician” dahil hindi nakalusot o wala man lang miyem­bro ng “Otso Diretso” ang nakasampa sa “Magic 12”, in short, laos na ang LP, boom!

◘◘◘

MALACAÑANG, ATRAS SA DEATH PENALTY SA MGA PLUNDERER?—Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipauubaya na lang daw nila sa Kon­greso ang mungkahi ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na patawan ng parusang kamatayan ang mga plunderer na pulitiko.

Aba, teka, hindi ba, noon pa atat na atat ang Malacañang na dapat ibalik na raw ang death penalty, pero bakit ngayon parang atras na sila?

Kumbaga, para na rin sinabi ng Malacañang na pagdating sa death penalty, “ilusot” ang mga plunderer, buwisit!

◘◘◘

BONGGANG PARTY NG “DISTRICT COLLECTOR” NG BUREAU OF CUSTOMS, DA­PAT IMBESTIGA­HAN —Porke nakamit daw ng isang “district collector” ang kan­yang target collection no­ong Abril 2019, agad daw itong nagpa-party at napakabongga raw nito kasi bukod sa mama­haling “private caterer” ang kinuha nitong magserbisyo ng tsibog ay may “live band” pa.

Kung kukuwentahin ay aabot daw sa milyo­nes ang nagastos ng “district collector” sa kanyang party.

Dapat paimbestiga­han ni Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero kung saan kinuha ng “district collector” ang ipinang­gastos sa kanyang magarbong “party” kasi kung galing ito sa kaban ng bayan o sa bulsa ng mga smuggler ay bad ‘yan.

Eh, ang tanong, magawa kaya ni Comm. Guerrero na paimbes­tigahan ang magarbong party ng district collector kasi ang bukambibig daw nito ay malakas daw siya kay P-Duterte, period!

◘◘◘

600 CONTAINER VANS, LUSOT NANG WALANG BINA­BAYA­RANG BUWIS? — Kamakailan daw ay 600 container vans na naglalaman ng samu’t saring mga kargamento ang nailabas sa Bureau of Customs nang walang binayarang buwis.

Kung totoo ito, may kinalaman kaya rito ang “district collector” na ito? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page