top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nagsama sa Korea, puring-puri… SUE, K-POP NA MEMBER NG BOYBAND NA BLANC 7 ANG BAGONG LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 16, 2019
  • 2 min read

HINDI matapus-tapos ang kuwento ng apat na lead cast ng pelikulang Sunshine Family sa napakagandang experience nila while shooting the film in South Korea.

Nakakaaliw ang kuwento ni Sue Ramirez na rito raw niya na-try mag­suot ng p*kpek shorts sa napakalamig (3 degrees celcius) na weather.

Nag-short shorts ako sa lamig ng Korea, outdoor,” sey ni Sue sa media­con ng Sunshine Family.

Ang mag-asawa namang Nonie and Shamaine Buencamino ay mara­ming firsts sa pelikulang ito. First time raw nilang magkasama in a lead role. Nagkasama na raw sila dati sa isang project pero sa isang independent film lang at hindi lead.

Kuwento ni Shamaine, ito rin ang first time niya na makapag-shoot sa ibang bansa at first time niya ring maka­rating sa South Korea.

First time ko ring makakain ng samgyeopsal (three-layer meat, a Korean cuisine),” natatawang sabi ni Shamaine.

Ang child actor namang si Marco Masa ay hindi rin makalimutan ang lamig ng weather.

Ginagampanan niya ang anak ng karakter nina Shamaine at Nonie at kapatid ng karakter ni Sue.

Ang Sunshine Family ay isang Filipino-Korean co-production ng Spring Films at Film Line Pictures Productions LTD na may Filipino and Korean cast mula sa direksiyon ng Koreanong si Kim Tai Sik, the acclaimed director of the 2007 international film festival favorite, Driving with my Wife’s Lover.

Ang buong pelikula ay kinunan sa Yangpyeong County ng South Korea at halos isang buwan daw silang nag-shoot dito.

Bandang November daw sila nag-shoot sa nasabing bansa at talaga na­mang ginaw na ginaw sila.

Puring-puri nina Nonie, Shamaine and Sue ang pagka-professional ng mga Koreans pagdating sa trabaho.

Ayon kay Shamaine, hindi katulad sa set dito sa atin na maingay, doon daw ay bulungan lang nang bulungan ang mga production staff. Sila nga lang daw ang maingay doon.

And ‘yung script nila, naka-storyboard. Nu’ng nag-reading kami, may mga drawing bawat eksena, at halos sinu­sunod nila ‘yun, ‘yung pagkaka-storyboard nila. Ganu’n sila ka-efficient.

“So, it was a very good working relationship with them,” sey ni Shamaine.

Sobrang gaan din daw makatrabaho ang kanilang Korean director at hindi sila nagkaproblema sa language barrier dahil may interpreter naman.

Korean din ang leading man ni Sue na si Shinwoo ng boyband na Blanc 7 at puring-puri ito ng aktres sa kabaitan at pagka-gentleman.

Sa kasalukuyan ay inaayos na raw ng Spring Films ang pagdating sa bansa ng nasabing K-pop idol to promote the film na showing na sa June 5 as part of the production’s 10th year offering.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page