Malinaw ayon sa birthday... LALAKING NAKATAKDANG TULUNGAN NG KAIBIGAN SA PROBLEMANG PAMPINANSIYAL
- BULGAR

- May 16, 2019
- 2 min read
Dear Maestro,
Ang bilis lumipas ng panahon. Kailan lang ay maunlad na maunlad ang buhay namin.
Noong kagagaling ko lang sa abroad, maganda ang buhay namin, pero dahil hindi na ako nakapaghanapbuhay ay naubos na ang lahat ng savings at mga naipundar ko.
‘Yung bahay at lupa na nabili ko noon, ngayon ay malapit ng makuha ng bangko.
Sa ngayon na may edad na ako ay hindi na rin ako puwedeng mag-abroad dahil marami na rin akong sakit na nararamdaman.
Tanging pagtaya-taya na lang sa lotto ang inaasahan kong mag-aahon sa aking pamilya sa kahirapan.
Kaya sana, Maestro, mabigyan ninyo ako ng masusuwerteng numero na dapat tayaan sa lotto nang sa gayun ay maka-jackpot ako. February 13, 1965 ang birthday ko.
Umaasa,
Mr. Aquarius ng San Roque, San Luis, Pampanga
Dear Mr. Aquarius,
Ang birthday mong 13 o 4 (1+3=4) sa zodiac sign na Aquarius ay nagtataglay ng planetang Uranus-Pluto. Ibig sabihin, ito rin ang tunay na larawan ng kapalarang nagaganap sa iyo sa kasalukuyan kung saan matapos suwertehin at umunlad, nakatakda kang daganan ng katakut-takot na problema at mga pagsubok.
Ngunit, may katapusan din ito dahil sa bandang huli, malahimala na bigla kang muling susuwertehin sa buhay, maladramatikong makaaahon hanggang sa magkaroon kang muli ng maalwan at maligayang pamumuhay, basta ang mahalaga lang sa kasalukuyan ay huwag kang bibitaw o susuko sa bawat hamon ng kapalaran na dumarating sa inyo, ‘ika nga, manatili kang matatag at matibay.
Samantala, bukod sa sarili mong mga numerong 1, 4, 13, 28 at 34, mapalad ka rin sa 11 at 16.
Ayon sa Numero-Compatibility, ang iyong kaibigang isinilang sa zodiac sign na Libra o kaya ay Gemini ang makatutulong sa iyong mga problemang pampinansiyal upang maabsuwelto ka sa iyong mga pagkakautang na siyang darating bago matapos ang 2019.
Upang masapol mo ang malaking halaga sa lotto, maghanap ka ng lotto outlet na napaliligiran ng mga salamin o kaya ay lotto outlet na 100% yari sa salamin, ang lotto outlet na nabanggit ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga ngayon 2019 hanggang 2020, sa edad mong 54 hanggang 55 pataas.




Comments