top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Magsi-6 yrs. nang mag-BF… MATTEO, UMAMING PAPUNTA NA SILA NI SARAH SA KASAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 16, 2019
  • 2 min read

Nitz Miralles / BIDA

HALA, 45 days na hindi makikita ng kanyang pamilya at GF na si Sarah Geronimo si Matteo Guidicelli dahil magte-training ang aktor ng Scout Rangers Orientation Course sa Camp Tecson na nasa San Miguel, Bulacan.

Kasama sa pagpasok ni Mat­teo bilang reservist ng Phi­l­ippine Army ang pagdaraanang training kasama ang mga scout rangers at cadets ng PMA. Sa May 27 papasok sa Camp Tecson si Matteo at hanggang July siya sa loob ng kampo.

Natatakot, pero excited si Matteo sa challenge at training na haharapin. Inihanda na niya ang sarili physically, lalo na mentally at kinondisyon na ang sarili na kakalbuhin siya at iitim at hindi makakagamit ng cellphone dahil bawal.

Bago pumasok sa Camp Tecson, ilo-launch muna ni Matteo ang single niyang Sun­do na ini-record niya under Viva Records. Back-up singer niya rito si Sarah, at ito ang first collaboration nilang dalawa.

Sa May 24 ang launching ng single ko sa The Music Hall sa Metrowalk. ‘Yun din ang last appearance ko bago ako mawala nang matagal. Mabuti, pinayagan ako ng Viva and we have to fix my schedule.

Pagbalik ko, gagawa ako ng full album at magri-release ako ng more singles. I will also do a movie with Viva Films na secret muna,” sabi ni Matteo.

Dahil secret pa ang project, hindi malaman kung magkasama sila ni Sarah. Hintayin na lang natin. Sa tanong naman kung may plano na silang magpakasal ni Sarah na five years na pala niyang GF, wala pang direk­tang maisagot si Matteo.

“We will see, pero dapat, papunta na roon (sa kasal) ang relationship namin dahil five years na kami at magsi-six years na. Saka, 29 years old na rin ako. Let’s see,” ang sagot ni Matteo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page