HOROSCOPE | Mayo 16, 2019 (Huwebes)
- BULGAR

- May 16, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 16, 2019 (Huwebes). Sa pagnenegosyo ka yayaman, kaya magnegosyo ka. Kapag nakaranas ka ng hindi magandang pangyayari, magnegosyo ka pa rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibilis ang pagpapasya mo, pero huwag kang mag-aalala dahil ang pagiging mabilis mo ay nagsasabing iiwanan mo nang milya-milya ang mga karibal mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-19-20-23-29-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makislap na bagay ang iyong pampabuwenas. Kaya magsuot o gumamit ka ng mga bagay na may kislap. Huwag na huwag ka munang gagamit ng mga luma at kupas na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-16-20-39-40-41.
GEMINI (May 21- June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon mo na hilingin sa langit ang iyong pinakagusto kahit pa may pagkaimposible o mahirap mangyari, gagawa ng paraan ang langit para sumaya ka. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-39.
CANCER (June 21- July 22) - Mabilis kang mapasasang-ayon ngayon. Lumayo ka sa alam mong madaraya at mapagsamantala at layuan mo rin ang may gusto sa iyo na wala pang karapatang magmahal. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-26-28-33-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ipakita mo ang iyong pagiging masayahin dahil sa ganitong paraan, ang mga suwerte sa iyo ay maglalapitan at mananahan sa iyong kapalaran sa mahabang panahon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-20-21-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magiging abala ka kahit pa wala kang tiyak na pagkakaabalahan. Ito ang sikreto para muling manariwa ang iyong magagandang kapalaran. Gawin at sundin mo ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-22-27-34-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumarami ang gustong mapalapit sa iyo. Ang nakatutuwang balita ay marami sa kanila ang puwede mong mapakinabangan kung gugustuhin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-18-20-24-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ilantad mo ang iyong mga magagandang katangian. Walang halaga ang mga alahas gaanuman ito kamahal kung nananatili lang ito sa taguan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-26-32-43-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bawal sa iyo ang maging tamad, manamlay, walang ginagawa at nananahimik lang. Para suwertehin ka, kailangang gumagana ngayon ang iyong mga kamay at isip. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-26-39-42-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lalakas ang mga suwerte mo kapag nakita ng langit na masaya ka. Kaya labanan mo ang kalungkutan at ang mas maganda ay ang makipagkuwentuhan ka sa masasayang nilalang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-21-27-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Harot, lambing at pagiging palabiro ang iyong kailangan. Sa ganitong paraan, ang mga magagandang kapalaran ay magsisidapo sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-13-22-24-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran kaya wala kang dapat sisihin kapag nabigo ka kundi ang sarili mo lamang. Ito ang mensahe para sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-29-30-35.




Comments