top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

CURRY AT THOMPSON, UNA SA GAME 1 SEMIS

Writer: BULGAR
BULGAR
May 16, 2019
2 min read

HINDI naman nagmamadali ang Golden State Warriors sa unang salta ng tropa para sa Western Conference Finals dahil nakasanayan na nila at ito na rin ang ika-5 sunod nilang taon na pagsampa sa West final.

Walang sinayang na panahon ang team ng GSW sa Game 1. Dinomina ng tambalan nina Stephen Curry at Klay Thompson ang inaabangang tapatan kontra Damian Lillard at CJ McCollum, na may pinagsamang labingdalawang tres puntos at 62 puntos para sa Warriors, naka-116-94 na panalo kontra Portland Trail Blazers sa opener ng Western finals.

Ang Game 2 ng best-of-seven series ay nakaiskedyul sa Biyernes sa mismong homecourt ng top-seeded Golden State. Tumapos si Curry na may game-high 36 points habang si Thompson ay may 26 para sa Warriors na nagwagi ng ikalawang sunod na laro nang wala ang kanilang star forward na si Kevin Durant dahil na rin sa calf injury.

Si Curry ay may 9-for-15 shot sa tres puntos na tangka habang si Thompson ay may 3-for-9. Maging si backup Quinn Cook ay may long-ranges shot din upang kahit paano ay buhayin sa kontensiyon ang T’Blazers na unang lumarga sa 4-1 at 4-0 panalo-talong marka noong 2016 at 2017 playoffs. “That was very poor (defensive) execution,” saad ni Lillard. “They were setting solid screens and coming off shooting practice shots. That’s the last thing we need if we want to have any chance to beat this team.”

Bumanat sa kabilang banda si Lillard, ang Oakland native na dumating sa arena suot ang Athletics “0” jersey na may tatak na pangalan niya sa likod, na nakagawa lamang ng team-high 19 points. Dumagdag si McCollum ng 17 puntos para sa Trail Blazers na hinarap ang fresh team na may tatlong araw na nagpahinga makaraang ilaglag ang Houston Rockets sa Game 6 noong Biyernes. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page