Bebot sugatan sa pamamaril
- Pabs Hernandez III
- May 16, 2019
- 1 min read
MAGUINDANAO—Isang babae ang sugatan nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. Pinguiaman, Datu Odin Sinsuat sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Phoebe Pimentel, residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, lulan ng kotse si Pimentel nang pagbabarilin ng mga suspek.
Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang, nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.





Comments