Bayang Pilipinas Ni Ronalyn Seminiano Reonico


Pilipinas, bayang aking kinakandili,
tulad ng talang sa ulap ay naghahari.
Bayan ng magigiting, walang kaparang binhi; bansang anong ganda’t labis na natatangi.
Walang humpay, walang sawa na panawagan,
mga mamamayang pagal at uhaw sa kalayaan.
Damdaming nagdudulot, nagbabadya ng himagsikan
Saan ma’y puro unyon, alyansa’t digmaan.
Mga katipunerong humantong sa kasawian,
buhay ay inialay para sa kaluwalhatian ng bayan.
Isinantabi lahat ng pansariling kaligayahan
sa digmaa’y buong tapang na nakipaglaban.
Nilisan ang katahimikan, sinuong ang kaingayan,
para sa tinatangi-tanging mahal na inang bayan.
Kamata’y buong tapang na hinarap para sa kalayaan,
buhay ay binuwis para sa iniirog na bayan.
Kasawian ng mga bayani’y huwag balewalain,
inialay na buhay, dugo’t pawis, bigyang katarungan.
Ngunit, tayo’y tila laruang tau-tauhan sa sariling bayan!
Anong nangyari’t responsibilidad, tila tinalikuran?
Winakasan nilang paghihirap at pang-aalipin,
ngayo’y ibinabalik ng mga uhaw sa kapangyarihan.
Bansang noo’y nasa itaas, ngayo’y niyuyurakan.
Pilipinas, paano ka na muling makababangon?
Ika’y dinudurog, nilulupig ng sariling mamamayan.
Ika’y binaboy, sinira, basura sa iyo’y itinapon.
Pilipinas na noo’y bayan ng karunungan at kagitingan,
ngayo’y bayan ng karalitaan, kahirapan at kasadlakan.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments