Bangkay ng kelot natagpuan
Pabs Hernandez III
May 16, 2019
1 min read
ISABELA—Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan, kamakalawa sa bangketa ng Bgy. Centro East, Santiago City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Reynaldo Madumba, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na isang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa nasabing lugar.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang sanhi ng kamatayan ng biktima.





Comments