top of page
Pokwang.jpg

5 NPA, todas sa engkuwentro

Jeff Tumbado
May 16, 2019
1 min read

NASA limang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay habang tatlong sundalo ang nasugatan makaraang magkasagupa ang mga ito sa Calatrava, Negros Occidental.

Nagsasagawa ng combat patrol operation ang tropa ng Army’s 79th Infantry Battalion nang makasagupa ang aabot sa 30 armadong rebelde alas-5:30 ng umaga.

Umabot ng isang oras ang bakbakan ng dalawang panig bago tumakas ang mga rebelde kung saan naiwan sa lugar ang limang kasamahan na wala ng buhay.

Naiwan naman ng mga rebelde ang 1 magazine with 8 ammunition para sa Garrand carbine rifle, 3 cellular phones, 2 power banks, 1 memory card, 1 SIM card, 1 pares ng bota, 1 hammock, 1 poncho, 10 kilo ng bigas at ilang kagamitan sa pagluluto.

Ang operasyon ay pinaigting ng AFP dahil sa ulat ng pangingikil umano ng mga rebeldeng grupo sa lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page