top of page
Pokwang.jpg

5 biktima ng human trafficking, hinarang sa airport

June Simon
May 16, 2019
1 min read

LIMANG kababaihan na nagpanggap bilang turista ang pinigilang makaalis ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport makaraang madiskubreng magtatrabaho lamang sila sa ibang bansa.

Ang mga kababaihan ay hinarang sa magkakahiwalay na insidente noong May 8 dahil sa kawalan ng maayos na employment document.

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, ang tatlo sa kanila na patungong Kota Kinabalu, Malaysia ay magtatrabaho bilang nightclub entertainers, habang ang dalawa ay tutungo sa Lebanon upang pumasok bilang domestic helpers.

Napag-alaman ng BI sa tatlong babae na inalok sila ng trabaho na nakapaskil sa online at kinagat nila ito saka nakipagkita sa isang ‘Danilo’ sa isang mall sa Quezon City kung saan pinagbabayad sila ng P10,000 para sa recruitment.

Inamin nila sa BI na ipapasok sila sa isang pub sa Kota Kinabalu at ang kanilang mga dokumento ay ibibigay sa kanila mula sa Hong Kong.

Habang ang dalawang babae ay nagpakita ng fake UAE visas at habang iniimbestigahan ay napagalamang inalok ang mga ito na magtrabaho sa Beirut saka sinabihan na huwag ipagsabi ang tunay nilang destinasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page