top of page
Pokwang.jpg

Unkabogable Star, biglang dumating, istorbo raw… ANTON, 'DI NATIKMAN ANG KASAMANG PAPA SA PUERTO

Writer: BULGAR
BULGAR
May 15, 2019
3 min read

‘’CHALLENGE accepted,” ang sagot ng singer na si Anton Diva sa mga gagawin niyang pagha­handa para sa nalalapit niyang first solo major concert titled Anton Diva: SHINE XXII AD sa Cuneta Astrodome on June 15.

“Sobrang pressured po ako, kasi at my age, biro mo, pagsasabay-sabayin ko ‘yung ipinapagawa sa akin ng direktor ko. Magdyi-gym ako, magbo-voice lessons ako, magpi-prepare ako sa concert, mag-aaral ako ng new songs, tapos, magme-memorize ako ng script. Forty two years old, gagawin mo nang sabay-sabay? Parang it’s a big task, big challenge for me, but I’m willing to accept the challenge,” pani­mula ni Anton nu’ng makausap namin siya sa mediacon ng concert niya.

Hindi lang daw ang pagiging impersonator ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang mapapanood sa concert niya, kundi ipapamalas din ang pagiging diva niya, ayon na rin sa director niya sa show na si Peter Ser­rano.

And speaking of Re­gine, siya at ang Unkabo­gable Star na si Vice Ganda ang major guests ni Anton sa kanyang concert. For the record, wala raw bayad ang dalawa sa guesting nila sa concert.

“Kaya sobrang flat­tering talaga, eh. Sob­rang you feel the love, ‘di po ba? Kasi alam naman nila na unang-una, si Teri (Onor, producer ng Shine), alam nila na first time niyang mag­po-produce and ‘yun ang maganda sa ating in­dus­triya, eh, big artists are willing to support new performers, new producers,” pa­ha­yag ni Anton.

Noong nakaraang concert nina Regine at Vice sa Smart Araneta Coliseum, nagkaroon ng special appearance si Anton. Nu’ng una raw, ang alam ni Anton, manonood lang siya ng concert. Pero bigla siyang pi­naakyat ni Vice sa stage at nagkaroon sila ng special number.

Sa portion na ‘yun, humingi ng tubig si Vice at pagkatapos tumungga, ipi­nasa niya kay Anton ang kanyang iniinom. Tinungga rin ito ni Anton, kaya parang nalasahan na rin niya ang labi at laway ni Vice.

“Ganu’n naman palagi sinasabi natin, eh, ‘di ba? Kapag ininuman mo ‘yung ininuman nu’ng isa, eh, di ma­ganda, kasi ano, malay mo, may vertud ‘yung ano niya,” sabay tawa ni Anton.

After nilang uminom ng tubig on stage, may sinabi si Vice na may nangyari na raw na ganu’n sa kanila noon. Kaya tinanong namin si Anton kung may nakaraan ba sila ni Vice.

“Wala, wala,” mabilis na tanggi ni An­ton. “Hindi kami, wala. Walang nang­­­­yari. Kasi nga ‘di ba, hindi ako pu­mapatol sa parehas?”

Madiin ang pagtanggi ni Anton na nagkaroon sila ng relasyon ni Vice. Pero may ikinuwento siya na nakaraang karanasan nila ni Vice.

“Ang hindi ko malilimutan dati, ang unang-una kong Puerto Galera, kami ni Vice, magkasama kami d’yan. Tapos, ano lang kami, eh, may kasama akong lalaki noon. Ako nagdala. Siya, walang kasa­ma. Ayun, sabay kaming naliligo niyan, ni Vice, doon sa Puerta Galera. Naka-panty lang, ganu’n. Si­yempre, hindi na­man hubung-hubo, pero nagka­kitaan na kami siyempre, oo. Ganu’n lang. Walang nangyari.”

May tsika rin si Vice na dati raw, para silang sina Dina Bonnevie at Vic Sotto.

“Hindi, kasi, eto na nga, naano nga ako kasi may eksena na, ‘di ba nga, may kasama akong lalaki? Dapat, ibu-booking ko na sana ‘yung lalaki. Eh, bigla siyang dumating. So, dinaot niya. Daot-tsina si Vice. Hahaha!”

Biruan lang daw nila ‘yun noon.

“Pero wala talaga. Wala kaming intimate na relasyon ni Vice. Hindi ako ang type ni Vice. At saka hindi rin siya ang type ko.”

Bukod kina Regine at Vice, guests din sa concert ni Anton sina Michael Pangilinan, Raging Divas, 2019 Miss Q&A Mitch Montecarlo Suansane, Jewel Jhonson. Front act performers naman ang Pepper Divas at rapture Girls.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page