top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Tiniyak ng PNP | MGA PULIS NA SUMAWSAW SA POLITIKA, SIBAK

Jeff Tumbado
May 15, 2019
1 min read

SINIGURO ni Philip­pine National Police (PNP) Chief Director General Os­car Albayalde na aalisin sa serbisyo ang mga pulis na direktang sangkot sa pagki­ling sa ilang mga pulitiko noong eleksiyon.

Kasunod ito ng isinasa­gawang imbestigasyon hing­gil sa natanggap na report na may 1,000 pulis na sangkot sa partisan politics. Sa press briefing, sinabi ni Gen. Alba­yalde na ilan sa mga pulis ay nagsilbi umano bi­lang secu­rity aide ng mga kandidato.

Ilan umano sa mga ito ay ini-relieve at isinasailalim sa imbestigasyon.

Pinaalalahanan naman ng PNP chief ang lahat ng pulis na maging tapat at mag­karoon ng non-partisan cha­racter bilang kasapi ng law enforcement agency.

Bago pa lamang ang araw ng halalan ay nauna nang sinampahan ng reklamo ang ilang tauhan ng PNP dahil sa pagpanig sa ilang mga pu­litiko, lalo na sa mga lokal na posisyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page