Tinangay ng mga armado | VCM AT ELECTIONS PARAPHERNALIAS SINUNOG

TINANGAY bago sinunog ng armadong grupo ang isang unit ng Vote Counting Machine (VCM) at iba pang election paraphernalias sa Jones, Isabela.
Batay sa impormasyon, ibinibiyahe umano ang VCM at mga election paraphernalia ng ilang mga guro na nagsisilbing mga miyembro ng Board of Election Inspectors (BEIs) patungo sa munisipyo ng bayan ng Jones nang harangin sila ng mga suspek sa bahagi ng Bgy. Sta. Isabel, alas-6:20 ng umaga.
Pinababa umano ng mga armadong lalaki ang mga BEI at ipinasuko ang VCM saka nila sinunog ang mga ito.
Ang sinunog na VCM at election paraphernalias ay mula sa polling precinct numbers 0037A, 0037B, 0038A, 0038B at 0038P1 mula sa Bgy. Dicamay I at polling precinct numbers 0039A, 0039B, 0039C, 0040 A 0040B at 0040P1 na mula naman sa Bgy. Dicamay II.
Patuloy pang tinutukoy ng mga awtoridad ang mga nasa likod nito habang iniimbestigahan din ang insidente.





Comments