top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Suppliers ng balota, marking pen at SD cards, talupan

Madel Moratillo
May 15, 2019
1 min read

IIMBESTIGAHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang suppliers ng mga balota, marking pen at SD card na ginamit sa kata­tapos na halalan.

Ayon kay Comelec Chair­­man Sheriff Abas, inatasan na niya ang kanilang Law Department na suriin ang kontrata ng kanilang mga supplier na Triplex Enter­prises Incorporated na nag­suplay ng mga ballot paper at marking pen at S1 Tech­nologies Incorporated and Silicon Valley Computer Group joint venture na nag­suplay naman ng SD cards.

Ayon sa Bids and Awards Committee ng Comelec, ang kontrata ng mga ito ay nag­kakahalagang P153.8 mil­yon at P22.6 milyon.

Kasama sa aalamin ng Law Department ay ang mga posibleng multa sa na­sabing mga kumpanya kung ma­patutunayang may na­labag ang mga ito sa kon­trata.

Tiniyak naman ng poll chief na bibigyan ng pagka­ka­taon ang mga ito na maka­pagpaliwanag.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page