Sasakyan sumalpok sa poste at salon | LOLO DEDBOL
- Maeng Santos
- May 15, 2019
- 1 min read

DEDO ang 68-anyos na lolo matapos bumangga sa bakal na poste at isang establisimyento ang minamaneho nitong sasakyan sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. David Nicolas Poklay ang biktima na si Felicimo Hamor, Jr., ng Concepcion, Malabon City.
Sa imbestigasyon ng Valenzuela Police Traffic Management Unit, ala-1:00 ng madaling-araw, minamaniobra ng biktima ang kanyang Isuzu jitney (NYB 283) sa kahabaan ng M.H. del Pilar, Poblacion St., Bgy. Polo, nang bumangga ang hulihang bahagi nito sa bakal na poste ng signage.
Nagtuluy-tuloy ang sasakyan hanggang sa tumbukin nito ang isang beauty salon.
Sa lakas ng impact, nagtamo ng mga sugat sa katawan ang biktima.
Dinala ng Valenzuela Rescue Team sa Valenzuela Medical Center subalit, hindi na rin ito umabot ng buhay.





Comments