top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Resulta ng eleksiyon, patunay na maraming Pinoy ang bilib kay P-Digong

Writer: BULGAR
BULGAR
May 15, 2019
2 min read

MAY napakahalagang kahihinatnan ang resulta nang katatapos lamang na eleksiyon kung saan unti-unti nang malilinis ang pam­politikang larangan na humahadlang sa pag-asenso ng ating bayan.

Ang resulta ng eleksiyon ay nagpapakita ng malawakan at malakas na suporta ng mga Pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inilibing niya ang mga dilawang walang ginawa kundi batikusin at harangin ang kan­yang mga reporma para lang mapabagsak siya at makabalik naman sila sa poder.

Gayunman, dahil malakas ang suporta ng taumbayan kay Pangulong Duterte ay kayang-kaya na niyang ipagpatuloy ang kanyang mga reporma noong nakaraang tatlong taon.

Dalawang halimbawa na nagpapatunay na malakas ang suporta ng taumbayan kay Pa­ngulong Duterte.

Sa labas ng Davao noon, walang naka­kikilala kay ex-SAP Christopher “Bong” Go, ang dating executive assistant ni Pangulong Duterte kung saan alalay siya ng pangulo sa lahat ng lakad nito.

Subalit, sa katatapos lang na eleksiyon, na­kasama siya sa liga ng dalawang kandidato, sina Cynthia Villar at Grace Poe na kapwa na­ka­pasok sa “Top 3”, kilalang mga pangalan noon pang 2010.

Matatandaang, tumakbo ang asawa ni Cynthia Villar na si Manny Villar bilang pa­ngulo, samantalang, tumakbo rin para sa pagka-pangulo ang ama ni Grace Poe na si Fernando Poe, Jr. noong 2004 at siya rin mismo noong 2016.

Sa kabila nito, napakarami pa rin ng bumoto kay “Bong” Go. Ito ang dahilan ng palaging sinasabi ni Pangulong Duterte, mahusay si “Bong” at nararapat siya sa Se­nado.

Ganyan kalakas ang bilib ng mga Pilipino sa pangulo.

Samantala, si Gen. Ronald “Bato” dela Rosa naman ay ang dating hepe ng kapulisan ng pangulo.

Kasunod ng pangulo, siya ang mukha ng giyera kontra sa iligal na droga ng gobyerno na matinding tinutuligsa ng mga dilawan dahil marami raw inosente at walang laban ang napapatay sa giyerang ito.

Nagretiro si “Bato” noong October 2018 at unti-unti nang nakalilimutan ng taumbayan, pero dahil sinabi ng pangulo na mahusay si “Bato” ay dapat siyang ihalal sa Senado.

Nakapasok sa panlimang puwesto ni “Bato”. Ganyan kalakas ang bilib ng mga Pilipino kay Pangulong Duterte.

Gayunman, matatandaang, sinabi ng pa­ngulo na huwag iboto ang mga dilawan at komunista.

‘Yun, walang nanalo sa kanilang partido bilang senador. Ganyan kalakas ang bilib ng mga Pilipino sa pangulo.

Nagpapatunay ang resulta ng eleksiyon sa opinion polls na nagsasabing walo sa sam­pung Pinoy ay bilib sa kanya at sa administrasyon niya.

Maliban sa giyera kontra iligal na droga, kabilang ang pagsisiguro na bawat Pilipino ay mabibigyan ng libreng paggamot at pang-hospital at bawat kabataang Pilipino ay ma­kapag-aaral ng libre hanggang sa kolehiyo.

Tunay na niyang maipagpapatuloy ang kanyang mga programa para maisaayos ang ekonomiya tulad ng pagbabago sa sistema ng tax at malawakang pagpapagawa ng mga highway, daan at tulay.

Kung magawa niya ang mga ito na posible naman talaga, lalo na kung walang mga bala­kid, malamang, sa wakas ay uunlad na rin ang ating bayan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page