Parents ni Luis, parehong tumakbong cong… VILMA WAGI, EDU TALO

Beth Gelena / BULGARY FILES

NAKATITIYAK nang winner muli ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto bilang re-electionist congresswoman ng Lipa City sa Batangas.
Base sa partial at unofficial results kahapon, si Ate Vi ay nakakuha ng 87,932 votes; habang ang kanyang kalabang si Meynard Sabili ay meron lang 55,646 votes.
Taliwas naman ito sa sinapit ng ex-husband ng aktres-pulitiko na si Edu Manzano na tumakbo ring representative sa distrito ng San Juan City. Natalo siya ng katunggaling si Ronny Zamora.
Kunsabagay, matagal na ring pumasok sa pulitika si Ate Vi. Year 1998 nang siya ay mag-umpisa bilang mayor ng Lipa City. Natapos niya ang tatlong termino sa pagka-alkalde.
After ng pagka-alkalde ay pagka-gobernador naman ang tinakbo ni Ate Vi. Naka-tatlong termino rin siya bilang gobernadora ng Batangas kung saan siya ang kauna-unahang babeng naging gobernador ng lalawigan tulad ng maging first lady mayor siya ng Lipa.
Pagkatapos ng pagka-gobernador ay nagbalik sa Lipa City si Ate Vi bilang congresswoman nu’ng 2013.
Ngayong 2019 election, muli ay wagi na naman ang aktres-pulitiko para sa ikalawa niyang termino sa pagka-kongresista.
Congratulations, Ate Vi!!!
‘Yun na!!!





Comments