Notoryus na tulak arestado
Pabs Hernandez III
May 15, 2019
1 min read
QUEZON—Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Ilayang Dupay, Lucena City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Mario Dawis, nakatira sa nabanggit na lungsod. Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 105 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Dawis na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments