top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Matapos ang deka-dekadang pamamayagpag | ILANG POLITICAL FAMILY, GOODBYE!

  • Madel Moratillo
  • May 15, 2019
  • 1 min read

NAWAKASAN na ang pamumuno ng ilang pamilya na ilang dekada nang nama­mayag­pag sa ilang lugar sa Metro Manila.

Sa Maynila kung saan kumandidatong muli si da­ting Pangulong Erap Estrada sa pagka-alkalde ay tinalo ito ni dating Manila Vice- Ma­yor Isko Moreno na na­ka­kuha ng 345,774 votes kum­para sa 202,699 votes kay Estrada.

Sa San Juan City na ma­tagal na pinamunuan at ki­lalang balwarte ng mga Es­trada-Ejercito ay nagwagi si Francis Zamora sa mayo­ralty race laban sa anak ni dating Sen. Jinggoy Estrada na si Janella. Si Zamora ay nakakuha ng 35,060 votes kumpara sa 24,813 kay Janella.

Naiproklama na rin si Zamora bilang alkalde ng San Juan City.

Sa Pasig City naman ay tapos na rin ang matagal na pamamayagpag ng mga Eusebio matapos manalo si Vico Sotto sa katatapos na halalan bilang alkalde.

Si Sotto ay naiproklama na kahapon bilang nanalong alkalde ng Pasig City. Si Sotto ay nakakuha ng 201,028 votes kumpara sa kalabang si Robert “Bobby” Eusebio na nakakuha lang ng 116,414 na boto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page