MARIKINA, SINAPATOS ANG RIZABA SA CBA


SUMAKAY ang Marikina sa brilyong laro ni Angelo De Guzman at kunin ang 101-98 win laban sa Rizaba sa pagtatapos ng elimination round ng Community Basketball Association (CBA) Founder’s Cup North Division na idinaos sa Niagara gym sa Caloocan City.
Nanaig si De Guzman sa mga katunggali sa game-high score na 31 puntos sa loob lang ng 25 minuto para manguna sa Sapateros na makopo ang ikatlong panalo na may 4 na talo sa torneo na inorganisa ni actor director Carlo Maceda.
Dumagdag sina Vince Joseph Ramos at Chester Girado ng tig-11 puntos habang si Jerome Tarucan ay may 10 puntos para sa Marikina na inasahan sa krusyal na minuto. Nakabakas sina Ron Allan Villanueva at Jerich Pelipe para sa Rizaba ng 23 at 19 points.
Bumanat ang Sapateros ng mas maraming rebounds (58-52), assists (30-23), steals (10-8) at blocks ( 3-2) kaysa sa hard-fighting Raptors. Tumapos ang Rizaba na may kartadang 1-6 win-loss record. (MC)





Comments