top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Hirit ng Otso Diretso | TULOY ANG LABAN

Madel Moratillo
May 15, 2019
1 min read

TINANGGAP na ng ilang senatorial candidates ng Otso Diretso coalition ang ka­nilang pagkatalo sa ka­ta­tapos na 2019 senatorial race.

Ito ay kahit na hindi pa kumpleto ang natatanggap na election returns sa servers ng Commission on Elections (Comelec).

Sina dating Solicitor Ge­neral Florin Hilbay, dating congressman Erin Tañada at Marawi civic leader Samira Gutoc ay nasa ika-29, ika-25 at ika-27 sa ranking ng mga boto batay sa pinaka­huling partial at unofficial tally mula sa Comelec trans­parency server.

Nagpasalamat naman si Gutoc sa mga bumoto sa ka­nila at sinabing hindi dito na­tatapos ang kanilang laban.

“We concede the elec­tions but we do not concede our principles,” pahayag na­man ni Tañada.

Binati naman ni Hilbay ang mga nanalo sa halalan at iginagalang niya ang pasya ng taumbayan.

Aminado naman si Ta­ñada na sa simula pa ay hindi na sila umaasang mananalo sa halalan.

Una nang nag-concede mula sa Otso Diretso si Atty. Romulo Macalintal at nagpa­salamat sa mga sumuporta sa kanya.

Umaasa na lang umano sila na kahit si Sen. Bam Aquino o dating Sen. Mar Roxas man lang ay maka­pasok sa Magic 12.

Samantala, ang mga na­kasama sa unang 12 sa ran­king ay mga kandidato na pawang kaalyado ng admi­nistrasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page