Dismayado sa resulta ng mga nanalo sa eleksiyon… SIGAW NI MIKE: WALA PA RING PAGBABAGO SA 'PINAS
- BULGAR

- May 15, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SAMANTALA, wagi para sa madlang pipol ang naging pahayag ng veteran journalist na si Mike Enriquez sa naging live coverage ng GMA Network sa Eleksiyon 2019.
Ayon sa ilan, ang veteran journalist daw ang naging boses nila sa naganap na eleksiyon.
Ani Mike sa live coverage ng GMA Network para sa Eleksiyon 2019, “Kalaunan, wala pa rin tunay at malalimang pagbabago at reporma tayong maaasahan. Same-same, sabi nga.”
Dagdag pa niya, “Lahat ng mga nanalo, [sana] mainterbyu natin.
“Gusto ko silang singilin. Ano ang maaasahan namin sa inyo ngayon para magkaalaman?
“Ngayon pa lang, magkaalaman na para habang umuusad ang kanilang termino, matse-check natin ‘yung mga ginagawa nila versus ‘yung ipinangako nila.
“Ganoon lang kasimple ‘yun.”
Samantala, pinuri rin ng mga viewers ang paglalaan ng oras ng GMA Network para sa eleksiyon kung saan itinigil muna nila ang pagpapalabas ng kanilang mga teleserye at naglaan ng halos 30 oras para sa live coverage ng halalan.








Comments