British national, 2 pa arestado sa shabu

TIMBOG ang tatlo katao kabilang ang isang British national matapos makunan ng shabu sa anti-criminality operation, kamakalawa ng hapon sa Malate, Manila.
Kinilala ng Manila Police District-Station 9 ang mga suspek na sina Philip Joseph, 47, British national, collection legal manager; Josephine Olayao, 38, at Rodolfo del Rosario, 42.
Naaresto ang mga suspek sa A. Mabini Street alas-5:00 ng hapon.
Sinita umano ang mga suspek ng mga pulis na nagsasagawa ng anti-criminality operation at nang kapkapan ay nakuha sa kanila ang apat na sachets ng shabu.
Nakadetine ngayon sa MPD-GAIS ang dayuhan at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 Art. II ng R.A. 9165 (Distribution and Possession of Dangerous Drugs) sa Manila Prosecutor’s Office.





Comments