top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Babaeng sinasaktan ng karelasyong tibo

ROMA AMOR
May 15, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Rica, 20 years old. Noon ay nagkaroon na ako ng BF, pero dahil ayaw ni mama, sa tibo na lang ako pumatol. Sa ngayon, hindi ako okay dahil sinasaktan ako ng karelasyon kong tibo, lalo na kapag may kinakausap akong lalaki, siguro sobrang selosa lang talaga siya kaya ganu’n. Gusto kong malaman kung ano ang dapat kong gawin para hindi na niya ako saktan? — Rica

Rica, Alam mo, sis, kahit pa kausapin mo ang lahat ng lalaki sa mundo, walang karapatan ang dyowa mo na saktan ka, lalo na kung hindi ka naman nakikipaglandian. Kung ganyan siya magselos, dapat mo na siyang iwanan dahil baka kung ano pa ang mangyari sa iyo. Bata ka pa, marami ka pang mararating sa buhay, kaya huwag mo ‘yung sayangin nang dahil sa ibang tao. Hangga’t maaga pa, pag-isipan mo nang mabuti ang mga hakbang na dapat mong gawin. God bless sa iyo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page