top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

961 VCMs at 1,665 SD cards, palpak | SORRY — COMELEC

Madel Moratillo
May 15, 2019
1 min read

SA kabila ng mga nang­yaring kapalpakan sa Vote Counting Machines (VCMs) at problema sa transmission ng election results, ikinokon­sidera pa rin ng Commission on Elections (Comelec) na tagumpay ang ginawang May 13 midterm polls.

Kasabay nito, humingi ng pang-unawa at pasensiya si Comelec Chairman Sheriff Abas sa publiko dahil sa mga nangyaring aberya.

“‘Yun nga lang ang hini­hingi namin ng pang-unawa at pasensiya sa mga tao but sa part namin, sa tingin na­min successful pa rin ang election because ‘yung rate nga masyado pa ring ma­baba para sa amin,” paha­yag ni Abas.

Nasa 1.1% umano o 961 ng 85,769 VCM ang naiulat na depektibo na mataas aniya kumpara sa 801 nag-malfunction na makina na naitala ng poll body noong 2016.

Aabot naman sa 1,665 o 1.9% ng 85,769 SD cards ang nagkaroon ng problema na hindi hamak na mas mataas sa 120 SD defective cards noong 2016 polls.

Batay aniya sa report ng Na­tional Technical Support Center, nasa 1,253 ng mga depektibong SD card ang pi­nalitan habang ang iba ay isinailalim sa reconfigura­tion.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page