top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 oil tankers ng Saudi Arabia, pinasabog

  • Jersey Sanchez
  • May 15, 2019
  • 1 min read

NAGTAMO ng malaking pinsala ang dalawang oil tankers na pag-aari ng Saudi Arabia dahil sa naganap na pag-atake sa United Arab Emirates (UAE).

Sa pahayag ng pamahalaan ng Saudi Arabia, papunta sa US ang nasabing mga barko nang atakihin ng ilang armadong grupo.

Wala namang naiulat na casualties sa pag-atake at wala ring naganap na oil spill sa lugar.

Tumanggi namang magbigay ng iba pang detalye ang Emirati officials.

Agad naglabas ng warning ang US dahil sa posibleng kahalintulad na pag-atake.

Una rito, inatake ng armadong grupo ang apat na barko na nakadaong sa port city ng Fujairah.

Sa unang warning ng US, sinabi na Iran at kanilang mga kaalyadong grupo ang nagpaplanong maghasik ng kaguluhan sa Persian Gulf na ang target ay ang mga barkong dumaraan sa rehiyon.

Kaugnay nito, nagpadala ng aircraft carrier at B-52 bombers ang US sa lugar. Muling nagsimulang uminit ang sitwasyon sa rehiyon matapos bawiin ni US President Donald Trump ang partisipasyon nila noong 2015 nuclear deal kasama ang Iran at ilang world powers.

Nagbanta rin ang Iran na mas lalo nilang palalakasin ang kanilang nuclear program kapag hindi nagkaroon ng bagong negotiating term.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page