Vote-buying sa buong bansa, talamak — Comelec | HALALAN 2019, PERA-PERA

LABIS ang pagkadismaya ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon sa aniya’y pinakamalalang mga insidente ng vote-buying na naganap nitong midterm elections na idinaos kahapon, Lunes.
Ayon kay Guanzon, ito na ang pinakamalalang vote- buying incident na kanyang nakita dahil ang bilihan ng boto ay kada pamilya na.
Nakakalungkot aniya na ‘corrupted’ na ang family value system na dapat aniyang matuldukan.
Una nang sinabi ng Comelec na mababa ang insidente ng mga election-related violence na naitala nila ngayong midterm elections, ngunit, aminadong mas maraming vote-buying incidents ang nai-report sa kanilang tanggapan.
Tiniyak naman ng Comelec na paiimbestigahan nila ang naturang mga insidente at pananagutin ang mga taong sangkot dito.
Salig sa itinatakda ng batas, ang sinumang mapatutunayang sangkot sa pamimili ng boto ay maaaring mabilanggo ng mula isa hanggang anim na taon, maharap sa diskuwalipikasyon sa paghawak ng anumang puwesto sa gobyerno at matatanggalan pa ng karapatang makaboto.





Comments