top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

VOLCANOES, PANG-27TH SQUAD NA SA MPBL, ILOILO, LALAHOK NA RIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14, 2019
  • 2 min read

NAGING ika-27 miyembro na ang lalawigan ng Bicol ng Maharlika Pilipinas Basketball League matapos na sila ay pormal na tanggapin ng league officials noong Biyernes sa isang meeting sa Roadhaus Hotel sa lalawigan ng General Santos City.

Ang Volcanoes, sa pamumuno Monel Kallos, ang pinakabagong squad na inaprubahan ng regional amateur basketball league ng taon.

Isa pang aplikante ay ang Iloilo na may dalawang grupo na pakay makakuha ng pagkakataon na makalahok sa basketball organization ng squad at ngayon ay sinusuri pa at ine-evaluate.

Wala pang desisyon si league founder at CEO Senator Manny Pacquiao hinggil sa dalawang grupo at nais niyang makita sa dalawang grupo kung sino ang magiging matatag ang team.

Humihingi ang Bicol ng sampung laro sa kanilang balwarte sa susunod na season na unang nakatakda sa Hunyo 12 sa MOA Arena at naniniwala si League Commissioner Kenneth Duremdes na ang bilang ng mga paglahok ng lalawigan ay isang atraksiyon na rin para sa mga turista. “OK yan, as long as they will provide buses for the delegation and hotel accommodation, of course,” dagdag ni Commissioner Duremdes.

Aprubado rin sa league officials ang entry ng bagong management group na hawak ang Pasig Pirates.

Dating naging team manager si long-time Sta. Lucia Realty team manager at two-time PBA Executive of the Year awardee Buddy Encarnado ng Pirates na ngayon ay hawak ni Gene Pineda.

Ang Pirates, may-ari ng dating Datu Cup (4-21), ay nasa ilalim ng dalawang management na parehong ‘di nagtagumpay sa team, kaya napuwersa ang liga na kunin ang prangkisa.

Sa ilalim ng bagong management, na ginabayan ni Encarnado, ang general manager din ng NCRAA, tiniyak ng liga na ang Pasig ay nasa mabuting kamay.

Kasunod ng pagpasok sa MPBL, agad na ini-appoint ni Encarnado si dating University of Santo Tomas coach Bong dela Cruz para hawakan ang Pirates.(MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page