top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tone-toneladang illegal gampaign posters nakolekta

Gina Pleñago
May 14, 2019
1 min read

UMABOT sa 580,000 illegal campaign posters ang nakolekta ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) hanggang sa pagtatapos ng campaign period noong Sabado.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar, 70 percent ng campaign materials ay mula sa Quezon City.

Tiniyak na naidokumento nang maayos ang posters at ipinagbigay-alam sa Commission on Elections (Comelec) para sa kaukulang aksiyon.

Ang paglalagay ng campaign posters sa labas ng designated areas na itinakda ng Comelec ay paglabag sa Election Law.

Gayunman, wala umanong kandidato na may illegal campaign posters ang nakipag-ugnayan sa mga pulis kaugnay ng kanilang paglabag.

Kaugnay nito, ipinauubaya na ng NCRPO sa Comelec ang paggawa ng aksiyon laban sa mga pasaway na kandidato.

Samantala, nakatakdang i-turnover sa waste management department ng bawat lungsod ang tone-toneladang campaign posters para sa posibilidad ng pag-recycle sa mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page