Todo-endorso sa bata ni P-Digong… KRIS, INAYAWAN NG MADLANG PIPOL DAHIL KAY BONG GO
- BULGAR

- May 14, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

MAY sakit si Kris Aquino kahapon kaya hindi nakaboto. Hindi tuloy niya naiboto sina Sen. Bam Aquino, Chel Diokno at isa pang senatoriable ng Otso Diretso.
Sinagot ni Kris ang nag-comment na kung buhay ang parents niya, hindi papayag ang mga ito na iboto niya si Bong Go.
“Obviously, hindi mo kilala personally ang mom ko-never s’yang nagdikta kung sino ang iboboto dahil may tiwala s’ya na matalino ang anak n’ya. Hindi ko alam kung ‘yung fever ko ngayon ang nag-co-confuse sa ‘kin pero ano’ng ibig sabihin ng ‘reality distortion field?’”
Hindi na nga lang sinagot ng commenter ang tanong ni Kris, kaya hindi nito nalinawan ang ibig sabihin ng “reality distortion field.”
Pero, tama ang ibang followers ni Kris na irespeto ang choices niya at kung na-disappoint sila sa pagboto ni Kris kay Bong Go, i-unfollow na lang nila si Kris. Siguro naman, masaya na ang ayaw kay Bong Go.





Comments