SUPER SIX CARRY OVER SA SLLP

AALAGWA ngayong gabi ang pitong karera sa paghataw ng “Additional One Win in Group Races” sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.
Kasabay nito, magaganap ang Super Six carry over ng P68,222.21 na kapapalooban ng Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Magsisimula ang WTA sa Race 1 at kasabay nito mangyayari ang Super Six carry over at nakalalamang ang Lucky Julliane, Diamond’s Best at ILove Jane.
Isama ang Double Strike at Silver King sa talaan ng Super Six, Quartet at Pentafecta sa magaganap na unang laban sa Race 1. Nakalalamang ang Mood Swing, habang magsisilbing kalaban ang PeterSaints sa pag-alagwa ng 3 year Old Group Race (7) sa Race 2.
Sa Race 3, isang panigurong puntos sa Pick 5 ang Eli Brassous at makalalaban ang Silver Glow at magiging parating ang El Mundo, Yes All Wee Bet, Heat Resistant at Boni Avenue sa Quartet at Pentafecta.
Ipinapatok ang Mr. Bourbon sa Race 4, simula ng Pick 4, magsisilbing kalaban ang Raxa Bago, Mighty Pride, Radian Talisman at Jade’s Treasure. Magandang labanan ang magaganap sa pagitan ng Sikat at Play It Safe, isama sa talaan ng Quartet at Pentafecta ang Great Connection, Apo at Faith Into Action sa Race 5.
Nakalalamang ang Tidal Wave at makakalaban ang Tenseventeen, Lady Pio at Wild Talk sa Race 6. Magsisilbing parating sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa Race 7 ang Super Swerte, Casa Bell at couple Entry na Prince Popeye at Cannon Ball.
Tip ni Mang Ding Race 1- Lucky Julliane (3) ILove Jane (1) Race 2- Mood Swing (5) PeterSaints (2) Race 3- Eli Brassous (7) Silver Glow (1) El Mundo (3) Race 4- Mr. Bourbon (3) Mighty Pride (5) Race 5- Sikat (8) Play It Safe (2) Race 6- Tidal Wave (7) Lady Pio (4) Race 7- Super Swerte (11) Entry No.5.





Comments