Simbahan sinunog, botika at mga tindahan ninakawan | 6 PATAY SA PAMAMARIL
Jersey Sanchez
May 14, 2019
1 min read
PATAY ang anim katao kabilang ang pari sa ikalawang insidente ng pag-atake sa Simbahan sa Burkina Faso.
Ayon sa mga awtoridad, dalawang Simbahan ang inatake sa lugar sa loob ng dalawang linggo.
Nabatid na palabas ng Simbahan ang mga tao nang atakihin at pagbabarilin ng mga suspek.
Pagkatapos ng insidente, sinunog ng nasa 20 armadong lalaki ang Simbahan at nagnakaw sa pharmacy at iba pang tindahan sa lugar.





Comments