top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Sasakyan ng barangay pinagbabaril

Gina Pleñago
May 14, 2019
1 min read

ISANG sasakyan ng barangay ang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Sa ulat na natanggap ng Muntinlupa City Police, alas-4:20 kahapon ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Marina Heights Avenue, Bgy. Sucat ng naturang siyudad.

Nabatid, na habang nagkakape ang mga tanod na sina Roger S. Oliva, Jr., Tauton Francisco, Jr. at Florencio D. Dabu sa waiting shed, nang biglang paulanan ng bala ng hindi kilalang salarin ang sasakyan ng barangay.

Ang mga suspek ay sakay ng itim na Starex at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas ang mga ito.

Mabuti na lamang aniya ay walang nadisgrasya sa pamamaril maliban sa basag ang salamin ng sasakyan ng barangay at marami itong tama ng bala.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang naturang pamamaril at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page